07 May 2010

A Literary Exception

oo, taglish to. sinikap kong magsulat ng tagalog, ang galing lang kasi na sinasanay tayo ng mga propesor na magtagalog kung tagalog at ingles kung ingles. pero ito ang kinalabsan. oo, gumamit din ako ng translator isa, dalawa o medyo maraming beses kasi natatanga ako. okay, edi casual na akda kinalabsan. parang yung mga makabagong libro ng mga kilalang manunulat (sad to say, hindi ako isa sa mga yon, nangangarap pa lang) hindi naman ito requirement sa anumang Filipino Literary class eh. may karapatan ako.

hindi talaga ako naniniwala sa 11:11. bakit kasi may mga ganoong bagay na wala namang basehan para sa katotohanan, pero bumebenta dahil may mga taong madaling maniwala. pero minsan, desperate times call for desperate measures. parang naubos na lahat ng outlets ko para maayos ang isang bagay, na wala nakong pakialam kung ano man ang sunod na step, papatusin ang lahat if it means matutupad yung gusto ko. so nagwish ako kagabi. at wag ka, swerteng 11:10 yon nung nakita ko. di tulad ng dinami-daming pagkakataon na nalalampasan ako by the minute, or parang 11:11 na, tapos segundo nalang ang bibilangin, magbabago na ang oras sa relo. pagkakataon man o hindi... may nagparaya sa akin. nakuha ko yung gusto ko. for once, for once, natupad yung hiniling ko. hindi lahat, pero yung pinakakinakailangan ko sa mga panahong ganito.

siguro pagkatapos ng mga kaganapan kagabi, hindi na *muna* ako hihiling ng kahit ano (well, pwede nating bilangin ang oras o araw o buwan). the fact na natupad yung gusto ko was more than enough para makontento ako sa mga panahong ito. pwede ring intayin kung kelan ako ulit magiging desperado (pero wag naman sana). sa isang side, ganoon ako kadaling ma-please na tao. simpleng ice cream pag may dinaramdam. hug o usap, mga ganoong bagay na nakakagaan ng pakiramdam. masasabi kong mataas akong mangarap, pero meron ding mga bagay-bagay sa pang-araw-araw na buhay na nagsasabing payak rin akong mangarap. isa ito sa mga yon. simple, pero malaki ang epekto sa nakaramdam.

E di ayan. may isang taong hindi magdadrama ngayong gabi o bigla nalang maiiyak na parang siraulo.

0 comments:

Post a Comment